Sunday, January 08, 2006

Astig ang crowd ng Corik's!!! San ka pa?!

Kagabi, ang Sige Productions ay naging matagumpay...ata. Ang lineup namen kagabi ay sobrang ganda. Pinakamagandang lineup nga namen yun e. Isipin mo na lang: Shotgun Project (opening un siyempre), Salamin, Diana Rising, Out of Body Special at Severo. San ka pa?! Di ko pa narinig dati ang Salamin at OBS. Pero alam kong mahuhusay sila pareho. Pumeak ako sa OBS. Nagkaron ako ng out of body experience. Kakaiba. Salamin din. Napakagaling. Na-wow talaga ako sa mga tumugtog kagabi. Hayop!!!

Pero kakaibang gabi iyon. Di ko alam kung maiiyak ako or matutuwa. Sa katunayan, muntik na talaga akong umiyak pero parang gusto ko reng humalakhak sa buong pangyayari.

BAKET?!

Anong pinagd-drama ko dito?!

Mahusay ang mga banda, maraming tao, puno ang Corik's at siguradong malakas ang benta. Kaya lang...ang pumuno ng Corik's ehh mga tao ni Rico J. Puno.
Mga lalaking nakakalbong may bigote at parang mga goons. Mga babaeng ang mga lipstick eh lumalampas sa bibig. Mga hindi pumapalakpak. Nandon si Tata Rico kagabi. Nabilib nga sa amen ulet eh. Kahet sa mga bandang tumugtog. Bilib na bilib talaga. Binuksan nga niya ang smoking area para marinig niya nang mabuti ang Salamin. Sinabi niya sa akin ng personal na sana daw maging regular silang tumugtog dun. Di niya naabutan ang OBS at Severo. Tiyak na sasabihin niya ren sa aken yun.

Hiyang hiya lang talaga ako sa mga bandang tumugtog. Mali eh. Baket ganon?! Unang beses silang tutugtog dun at yun ang madadatnan nila?!?! Namatay ako sa hiya. Hindi na ako masyadong nakipag usap sa kanila. Pero mababait. Tinawanan na lang nila ang buong sitwasyon. Ano pa nga ba ang dapat gawen di ba? Tayong mga Pilipino, hindi dapat masyadong sineseryoso ang mga ganyang bagay. Kaya nga humahaba ang buhay naten. Kaya nating tawanan ang mga sitwasyong katulad nun.

Sa hiya ko, nilibre ko na lang sila ng beer. Kahet hingi sila nang hingi, okay lang. Napa-order din ako ng Margarita. Kulang pa nga eh. Pero bagong taon, bagong buhay. Kalimutan na ang mapabayang pag-inom. So ayun ang mga pangyayari kagabi.

Akeng lang naman...sana sinabe ni Tata Rico na may mga panauhin siya. Para naman tulad ng dati, pinaghandaan namin ang lineup. Inulet sana namen ang oldies night...edi pati sila nag-enjoy. Diba?! Pero sino nga naman ako? Siyempre kung gusto niyang imbitahan ang mag kaibigan niya, pwede niyang gawen yun kung kelan niya gugustuhin. Oo na! Tama na. Ganyan talaga ang buhay. Hayy...


Habang tumutugtog ang Salamin...kita niyo si Manong?! Kintab ng ulo o! May pony tail pa. Astig talaga ang crowd ng Corik's!!! San ka pa?!

1 Comments:

At 8:32 AM , Anonymous Anonymous said...

haha!!!! may kilala din ako dati.. mga 18yrs ago siguro, ganyan din kakintab ang ulo.. ay noo pala...

joke... hehehehe

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home